Tatlong taon, ang aking mga pinaka magandang alaala sa Ateneo de Zamboanga University. Sa tatlong taon na ito ay naipakita ko ang lahat ng aking maikakaya para lang makamtam ang lugar kung nasaan ako ngayon. At sa tatlong taon na ito, ay nagkaroon ako ng mga kaibigan na magiging kaibigan ko, kahit na sa aking pagkatanda.
Itong mga nakaraang taon ay marami akong mga nakilalang mga magagaling na studyante. Kabilang sa mga studyanteng ito ay mga matalik kong kaibigan. Bawat araw ay ipinapakita naming, ang lahat ng magawa naming para makamtan ang isang honor. Sa aking mga araw-araw na pag-aaral ay palagi kong idinarasal na gabayin ako ng diyos sa lahat ng aking mga ginagawa. Para sa akin, ang pinakamagandang naituro sa akin ng guro kong si Sir Montojo ay, mapupunta sa wala ang aking tagumpay pag ako ay nag-daya o parang naibenta ko lang ang kaluluwa ko sa demonyo. Sa lahat ng aking mga tests, exams, o mga contests na sinasalihan, ay ibinubulong ko ang “AMDG”. Ibig sabihin ay, para sa diyos ang gagawin ko, at manalo o matalo, ay magiging masaya ang diyos basta ay hindi ako nagdaya sa pagkamit nito.
Ngayon ay nakatayo na ako sa entamblado, hindi ko alam kung paano maipapakita ang aking pagkasaya. Lahat ng aking mga tagumpay ay ibinibahagi ko sa diyos, sa paggabay sa akin na palagi gawin ang tama kahit na mahirap na talaga ang mga problemang dumadaan. Kung bibigyan ako ng pangalawang pagkakataon na ibago ang mga nangyari sa akin sa taon na ito, ay hindi ko na iro papatulan pa. Ang lahat na nangyari sa akin sa buhay ko, ay sa kagustuhan ng diyos.
BY THE WAY... 1001 POST KO NA ITO....
__________________
"WHY FART IT
AND WASTE IT
WHEN YOU CAN BURP IT
AND TASTE IT"........